Friday, 24 May 2013

Beranda » » Da Best ng Pinoy sports events mapapanuod sa BRO Channel ng TFC

Da Best ng Pinoy sports events mapapanuod sa BRO Channel ng TFC

PinoyPride20PR

PinoyPride20PR

PRLog (Press Release) - May 24, 2013 - QUEZON CITY, Philippines -- Tuluy-tuloy ang paghahatid ng The Filipino Channel (TFC), sa pamamagitan ng BRO channel nito ang pinakamahusay na sporting events at manlalaro sa mga Pinoy saan man sila sa mundo.  Patotoo sa kataga nitong Ang Lakas Ng Dating Mo, ihahatid ng BRO ang pangalawang worldwide live coverage nito ng explusibong Pinoy Pride XX sa darating na May 25.

Simula noong 2011, umarangkada ang mga exciting na sporting events sa program block ng BRO na Game Na! Kabilang dito ang kilalang Universities' Athletic Association of the Philippines (UAAP); ang tagisan ng mga matatapang sa larangan ng mixed martial arts sa Universal Reality Combat Championship (URCC); at ang tapatan ng magagaling sa larangan ng boxing sa Pinoy Pride series.

Noong 2010, naging entablado na ang Pinoy Pride ng mga nagsisimulang Pilipinong boksingero na maaaring sumunod sa yapak ng mga batikang kampeon ng bansa tulad nina Manny Pacquiao, Nonito Donaire at Brian Viloria.  Sa pagsasanib-pwersa  ng ALA Boxing Promotions, ABS-CBN Sports at TFC ihahatid ang 20th series ng Pinoy Pride na ngayo'y isa na sa mga kinapapanabikang boxing events sa Pinoy television.  Dito nagwagi na ng mga international boxing titles ang mga tulad ni Donnie "Ahas" Nietes, Rey "Boom Boom" Bautista, AJ "Bazooka" Banal, Milan "El Metodico" Melindo at iba pa laban sa mga dayuhang katunggali na kampeon din sa kani-kanilang mga bansa.

Sa May 25, muling maghaharap ang pinakamagagaling na boxers ng Pilipinas, Mexico at Indonesia sa Pinoy Pride XX Laban Kung Laban na mapapanuod live sa BRO Channel ng TFC.  Ide-defend ng current WBO International Light Welterweight Champion na si Jason "El Nino" Pagara ang titulo nito sa main bout laban sa Mexicanong si Aaron "La Joya" Herrera.  Sa undercards, mapapasabak naman si Jimrex "Executioner" Jaca laban kay Jose Emilio Perea ng Mexico para sa titulong Oriental Light Welterweight Championship kung saan naka-sampung panalo na ang ating manlalaro.   Samantala, makakatunggali naman ni Genesis "Azukal" Servania si Isaac Junior ng Indonesia sa isang non-title fight.

Sino ang mananaig? Panoorin ang Pinoy Pride XX sa Laban Kung Laban sa live, worldwide coverage ng BRO Channel sa darating na May 25, 3 a.m. Pacific time; 7 p.m. Japan time; 12 noon Milan time; 8 p.m. Sydney time; 1 p.m. Saudi time; at 8 p.m. Guam time.  Mapapanuod din ang Pinoy Pride XX sa live streaming ng official online service nito – ang TFC.tv.   Mae-enjoy din ang ibang sporting events, travel shows at irreverent comedy sa BRO sa TFC platforms worldwide.

Photo:
http://www.prlog.org/ 12143963/1

24 May, 2013


-
Source: http://www.prlog.org/12143963-da-best-ng-pinoy-sports-events-mapapanuod-sa-bro-channel-ng-tfc.html
--
Manage subscription | Powered by rssforward.com